Home NATIONWIDE PBBM, buong puwersa ng gobyerno patuloy nakabantay sa pinagsamang habagat, Luis at...

PBBM, buong puwersa ng gobyerno patuloy nakabantay sa pinagsamang habagat, Luis at Maymay

3
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nakabantay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang buong puwersa ng pamahalaan sa sama ng panahon dulot ng pinagsamang habagat, Tropical Storm Luis at Bagyong Maymay.

Sa katunayan, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang situation briefing kasama ang lahat ng ahensyang nakabantay sa kaligtasan ng taumbayan sa mga apektadong lugar.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ipinag-utos ng Pangulo na agad na tiyaking naaabot ang lahat ng mga apektadong residente, lalung-lalo sa mga malalayong lugar.

Siniguro rin ng Pangulo na mabigyan ng tulong ang lahat ng mga apektado kabilang na iyong mga residenteng nakabalik na sa kani-kanilang tahanan mula sa mga evacuation centers.

Sa kabilang dako, sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot sa 39.37 milyong piso ang kabuuang tulong na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Secretary Rex Gatchalian kasama ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar.

Naipaabot ang tulong sa mga apektadong residente ng Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera Administrative Region, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Aabot din aniya sa 3,841 personnel ang dineploy para sa posibleng search and rescue operations habang nag-deploy ng 14 air assets ang isang kagamitang pandagat mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at ng Philippine Coast Guard.

Mayroon ding naka-standby na 4,392 personnel at 943 na iba’t ibang kagamitan para sa agarang deployment kung kinakailangan.

Nakahanda na rin ang mga kagamitan ng Office of the Civil Defense, Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy at Bureau of Fire Protection.

Sa report ng DSWD, umabot sa 54,370 family food packs ang kanilang naipamahagi kasama na ang 2,722 ready-to-eat food items, 23 na iba pang food items at ang 1,376 na non-food items.

Umabot na rin sa halos one million pesos ang naipamahagi na tulong pinansyal ng DSWD sa ilalim ng AICS Program.

Sa ngayon, umabot sa halos five million family food packs ang nakahanda ng DSWD sa buong bansa kasama na ang 245,474 non-food items. Aabot din sa 1.61 billion pesos ang naka-standby na pondo ng DSWD sa buong bansa. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here