Home IN PHOTOS TINGNAN: Evacuation Center sa QC, binisita ni Mayor Joy Belmonte

TINGNAN: Evacuation Center sa QC, binisita ni Mayor Joy Belmonte

1
0

Nagtungo si Mayor Joy Belmonte sa evacuation center sa Barangay Bagong Silangan upang kumustahin ang mga evacuee at tiyaking natutugunan ang kanilang mga pangangailangan habang sila ay nasa evacuation center.

Patuloy rin ang paghahatid ng tulong ng Quezon City Government, kabilang ang pamamahagi ng hot meals ng Social Services Development Department (SSDD).

May nakahandang child-friendly space para sa mga bata at pet-friendly area upang hindi maiwan ang mga alagang hayop ng mga pamilyang lumikas.

Nagpapatupad din ang Barangay Bagong Silangan ng digital profiling at Evacuation Card System. Layunin nitong magkaroon ng mas maayos at updated na database ng mga residenteng nangangailangan ng evacuation assistance tuwing may kalamidad, gaya ng bagyo at pagbaha. DANNY QUERUBIN 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here