Home NATIONWIDE PBBM ‘di diktador – Escudero

PBBM ‘di diktador – Escudero

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Senate President Francis “Chiz” Escudero si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang Pangulo ay patungo na sa pagiging isang diktador.

Nitong Lunes, Pebrero 24, idinipensa ni Escudero si Marcos at sinabing hindi siya sang-ayon sa pahayag ni Duterte.

Aniya, ang paratang na ito ng dating pangulo ay “irrational and untrue.”

“When their accusation that [Marcos] was a weak leader who was not in control did not fly, now they are accusing him of the exact opposite and now supposedly has dictatorial tendencies. It is not only inconsistent but also irrational and untrue,” ani Escudero.

Sinabi pa niya na matagal na nitong kilala si Marcos at patunay lamang na iba ito sa kanyang amang si Marcos Sr.

“I can say with certainty that I do not subscribe to [former President Duterte’s] statement because I simply do not see it and cannot infer nor believe it from [Marcos’] attitude, outlook and work ethic,” paliwanag ni Escudero.

Bago ang pahayag ni Escudero, nauna nang tinawag ng Malakanyang ang tirada ni Duterte bilang isang “hoax emerging from a one-man fake news factory.” RNT/JGC