MANILA, Philippines – Hiniling ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na ipagpatuloy ang pagdarasal para kay Pope Francis na nananatiling nasa kritikal na kondisyon sa Gemelli Hospital sa Roma kung saan siya na-confine noong Peberro 14.
Iniulat ng Vatican nitong Linggo, Pebrero 23 na ang Santo Papa ay nagpalipas ng isang mapayapang gabi.
“The night passed uneventfully, the Pope rested,” ayon sa Vatican update.
Pinangunahan ni Cardinal Jose Advincula at Pablo Virgilio David ang vigil prayer sa Pilipinas para sa paggaling ng Papa.
Ang dalawa ay kabilang sa 138 cardinal na wala pang 80 taong gulang na karapat-dapat na bumoto sa isang conclave para maghalal ng bagong papa.
Pinangunahan ni Cardinal David ang Misa sa Caloocan para sa Santo Papa nitong Huwebes ng gabi sa Cathedral of San Roque, ang patron saint ng mga may sakit at nagdurusa.
“May I ask for your prayers for his healing and recovery during this challenging time,” sabi ni David na CBCP president.
Sa Manila Cathedral nitong Biyernes, bisperas ng Pista ng Tagapangulo ni San Pedro, na tinaguriang unang papa ng Simbahang Katoliko.
Pinangunahan ni Advincula ang “Holy Hour for the Healing of Pope Francis.” Jocelyn Tabangcura-Domenden