Home NATIONWIDE PBBM dismayado kay Sen. Imee sa ‘drugs’ issue

PBBM dismayado kay Sen. Imee sa ‘drugs’ issue

318
0

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkadismaya matapos akusahan siya at ang kanilang pamilya ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng kanyang kapatid, si Senator Imee Marcos, ayon sa Malacañang nitong Miyerkules.

Binalewala ni Atty. Claire Castro, tagapagsalita ng Palasyo, ang hamon ni Imee na magpa-hair follicle drug test ang First Family.

Binanggit niya na matagal nang napatunayan na negatibo sa droga ang Pangulo bago ang halalan, na pinatunayan rin ng St. Luke’s Medical Center.

Inilarawan ni Castro ang panawagan ni Imee bilang paraan lamang upang sirain ang imahe ng Pangulo at tiniyak na patuloy na nakatuon ang Pangulo sa kanyang trabaho at nasa mabuting kalagayan ang kalusugan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here