Home HOME BANNER STORY PBBM dumating na sa Cambodia sa state visit sa pagpapalakas ng PH-Cambodia...

PBBM dumating na sa Cambodia sa state visit sa pagpapalakas ng PH-Cambodia ties

282
0

MANILA, Philippines – DUMATING na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos sa Kingdom of Cambodia, araw ng Linggo, Setyembre 7 para sa three-day State Visit na naglalayong palakasin ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.

Ang pagbisita ay tugon sa naging imbitasyon ng Kanyang Kamahalan King Norodom Sihamoni.

Mainit namang tinanggap ng Cambodian officials sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza nang nag-touched down na ang eroplanong sinakyan ng First Couple sa Phnom Penh International Airport, dakong alas-3:08 ng hapon (local time).

Bilang pagpapakita ng kanyang malalim na pagpapahalaga para sa Filipinos overseas, sisimulan ng Pangulo ang kanyang State Visit sa pamamagitan ng isang pulong kasama ang Filipino community sa Cambodia.

Makakasama ng Pangulo ang Unang Ginang at ilang Cabinet members na bahagi ng opisyal na delegasyon.

Inaasahan naman na kikilalanin ni Pangulong Marcos ang mahalagang kontribusyon ng mga Filipino partikular na iyong nagtatrabaho sa edukasyon at service sectors at binigyang-diin ang mahalagang papel sa economic at socio-cultural development kapuwa ng Pilipinas at Cambodia. Tinatayang may 7,500 Filipino ang kasalukuyan ngayong naninirahan at nagtatrabaho sa Cambodia.

Sa pangalawang araw ng Pangulo, magkakaroon ito ng bilateral meeting kasama si Prime Minister Hun Manet para pag-usapan ang lawak ng mahahalagang usapin kabilang na ang pag-diversify ng kalakalan, pagpapahusay ng kooperasyon laban sa transnational crimes, pagpapalakas sa turismo at pagpapalakas ng kolaborasyon sa mga sektor gaya ng agrikultura, higher education, at air services.

Inaasahan din na hihingi ng suporta si Pangulong Marcos mula sa Cambodia para sa chairmanship ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa 2026.

Makakapulong din ni Pangulong Marcos ang Acting Head of State at Senate President na si Hun Sen at asawa nito, si Samdech Kittiprittbindit Bun Rany Hun Sen, na opisyal na tatanggap sa First Couple sa kanilang State Visit sa ngalan ng King of Cambodia.

Magkakaroon din ang Pangulo ng roundtable meeting kasama ang mga Filipino at Cambodian business leaders para mas palalimin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ang State Visit sa Cambodia ay magsisilbi bilang isang reciprocal gesture kasunod ng opisyal na pagbisita ni Cambodian Prime Minister Hun Manet sa Pilipinas noong February 2025. Ang huling State Visit ng Philippine President sa Cambodia ay noong 2016.

Samantala, itinatag naman ng Pilipinas at Cambodia ang formal diplomatic relations noong August 20, 1957. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here