MANILA, Philippines – Inaasahan ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa easterlies.
Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na maaapektuhan nito ay ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao.
Samantala, localized thunderstorm naman ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa.
Patuloy namang minomonitor ng PAGASA ang Tropical Storm Tapah, dating Lannie, na ngayon ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagyong Tapah 715 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte at kumikilos sa direksyong northwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 105 kilometro kada oras. RNT/JGC