MANILA, Philippines – DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) para sa one-day working visit para palakasin ang relasyon sa Pilipinas.
“The plane carrying Marcos and his trimmed-down delegation arrived in the UAE at 2:06 am Tuesday (6:06 am Manila Time),” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez.
Habang nasa Gulf State, makakapulong ng Pangulo ang kanyang counterpart na si His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi.
Inaasahan naman na may kasunduan na pipirmahan sa pagitan ng dalawang bansa habang nakabisita ang Pangulo (Marcos).
Sa kabilang dako, sinabi ng PCO na sisimulan ni Pangulong Marcos ang one-day working visit sa Gulf state na may “a high purpose” na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at UAE.
Samantala, pinaliit na lamang ng delegasyon na kasama ng Pangulo sa byaheng ito “to the barest minimum” dahil nais ng Chief Executive na kagyat na bumalk ng Maynila para ipagpatuloy ang kanyang “personal supervision and inspection of the relief and reconstruction activities in communities devastated by six successive typhoons.” Kris Jose