MANILA, Philippines – PINAYUHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na mag-ingat sa gitna ng pananalasa ng bagyong Julian.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng kondonasyon at pagpapalabas ng mortgage sa Paniqui, Tarlac, ginarantiya ni Pangulong Marcos ang kahandaan ng pamahalaan na magbigay ng tulong sa mga apektadong residente.
“Mag-ingat po tayong lahat. Atin pong ipatuloy ang binabantayan na Bagyong Julian, at handang magbigay ang pamahalaan ng tulong sa ating mga kababayang nangangailangan,” ang sinabi ng Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
Nauna rito, sinabi ng PAGASA na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No.4 ay nananatiling nakataas sa Batanes at hilagang bahagi ng Babuyan Islands habang mabagal ang naging pagkilos ng bagyong Julian nang dumaan malapit sa Sabtang Island, araw ng Lunes.
Sa 11 a.m. Bulletin ng PAGASA, ang mga sumusunod na lugar sa Luzon na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Winds Signals ay ang:
TCWS No. 4
Batanes
hilagang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.)
TCWS No. 3
Ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands
hilagang-silangan na bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana)
TCWS No. 2
natitirang bahagi ng mainland Cagayan
Apayao
Abra
Kalinga,
Ilocos Norte
hilagang bahagi at gitnang bahagi ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao)
TCWS No. 1
natitirang bahagi ng Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Aurora
hilaga at silangang bahagi ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad)
Polillo Islands
Samantala, maaaring umabot si Julian sa super typhoon category, tanghali o gabi ng Lunes, ayon sa PAGASA. Kris Jose