Home NATIONWIDE PBBM, handang idiga sa gobyerno ng Russia paglalakbay sa nasabing bansa ng...

PBBM, handang idiga sa gobyerno ng Russia paglalakbay sa nasabing bansa ng walang visa

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handa siyang idiga sa gobyerno ng Russia ang posibilidad na payagan ang mga Pilipino na makapaglakbay sa nasabing bansa kahit hindi na kailanganing kumuha ng visa.

Ayon kay Pangulong Marcos sa isang press conference sa Kazan, Russia na wala siyang nakikitang anumang seryosong pagtutol para pag-usapan ng Pilipinas at Russia ang pagbuo ng nasabing kasunduan hinggil sa visa.

We did it with India, we’ve done it with China. If it’s something that we feel will be of advantage to both Russia and the Philippines, I don’t see why not,” ani Pangulong Marcos.

“That’s become the method, the order of the day now. And we very much would like to increase our tourists trade. So, that’s something that down the road maybe we can look at,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, nanghinayang ang Pangulo na hindiniya naiparating ang nasabing posibilidad sa kaniyang maikling pananatili sa Kazan para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Russia Commemorative Summit. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here