Home NATIONWIDE TUPAD ia-upgrade ng DOLE; displaced workers, bibigyan ng kapital

TUPAD ia-upgrade ng DOLE; displaced workers, bibigyan ng kapital

1
0

MANILA, Philippines – I-a-upgrade ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program upang maging mas pangmatagalang kabuhayan at hindi lamang pansamantalang trabaho.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, mula sa emergency employment o pansamantalang trabaho, lilipat ang TUPAD sa modelo ng grassroots entrepreneurship kung saan bibigyan ng mas sustenableng negosyo ang mga benepisyaryo.

Sa halip na karaniwang cleanup jobs, pagsasamahin ang mga graduate ng TESDA training at bibigyan ng kapital para makapagtayo ng collective enterprises.

“Ang gusto ko ngayon sa TUPAD … halimbawa, ‘yung limang nag-training ng barista ng kape — alam mo paggawa ng kape — bigyan natin ng tamang puhunan niya para ‘yung TUPAD maging coffee shop na rin nila doon sa Cebu o sa Bohol. Kaysa ‘yung nagwalis-walis,” ayon kay Tolentino.

Ayon sa DOLE, nakipag-usap na si Tolentino sa TESDA Director General Jose Francisco Benitez tungkol sa bagong konsepto ng programa.

Target ng ahensya na ilunsad ang upgraded TUPAD sa Hulyo, habang ginagawa pa ang guidelines at implementing rules.

Aasahan din na ang mga regional director ang mamumuno sa implementasyon at pagtukoy ng mga lokal na proyekto upang matiyak ang tuloy-tuloy na transition mula training patungong negosyo.

Ang TUPAD ay kasalukuyang emergency employment program na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga displaced workers na binabayaran base sa minimum wage sa kanilang rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here