Home NATIONWIDE PBBM, ibinahagi kung paano naging bahagi ng kanyang buhay ang musika

PBBM, ibinahagi kung paano naging bahagi ng kanyang buhay ang musika

1
0

MANILA, Philippines – Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung paano naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay ang musika at kung paano ito nagbigay sa kanya ng mas malalim na interes sa iba’t ibang uri ng tugtugin.

Sa panayam sa kanya ni Gary Valenciano sa podcast na Unshaken with Gary V, sinabi ng Pangulo na sa kanyang pag-aaral sa England noong dekada ’70, naalala niya ang isang karanasang nagbago sa kanyang pananaw sa musika.

Habang iniinspeksyon niya noon ang mga dormitoryo ng paaralan, narinig niya ang kantang “Walk on the Wild Side” ni Lou Reed.

“I couldn’t believe that you’re allowed to make music like that. I said, ‘Pwede ba ’yan?'” ani Pangulong Marcos.

Sinabi niyang naging “life-changing” ang karanasang iyon at mula noon ay nagsimula siyang makinig sa iba’t ibang musika.

“From then on, I started to listen to everything that came out. Everything,” dagdag ng Pangulo.

Isa sa mga grupong madalas niyang pakinggan noon ay ang Jethro Tull na nagbigay-inspirasyon sa kanya na matutong tumugtog ng flute.

“I learned to play the flute because I understand the flute. So I learned to play the flute, and then I played in the orchestra,” ani Pangulong Marcos.

Dagdag pa ng Pangulo, kalaunan natuto rin siyang tumugtog ng saxophone at naging bahagi ng school at amateur orchestras.

Nag-aral din siya ng music theory, kaya hindi lamang pagtugtog ng instrumento ang kanyang pinag-aralan.

“Music’s always been part of my life,” ani Pangulong Marcos. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here