Home NATIONWIDE Mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng mga mag-aaral,...

Mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng mga mag-aaral, kinilala ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Ipinagdiriwang ngayong araw ng Lunes, Oktubre 5, 2026 ang 2026 National Teachers’ Day sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, kung saan kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kinabukasan ng mga mag-aaral.

Dinaluhan ito ng tinatayang 10,500 guro, education personnel, government officials, at iba pang stakeholders.

Sa temang “Teacher, Ikaw Naman,” binigyang-diin ng Pangulo na ang pagtuturo ay isang bokasyon na higit pa sa paghahanda ng aralin at katuwang ng mga magulang sa paggabay sa kabataan at paghubog ng kanilang disiplina, malasakit, at tiwala sa sariling kakayahan.

Ibinahagi rin ni Pangulong Marcos ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapagaan ang workload at mapalakas ang kapakanan ng mga guro, kabilang ang paglikha ng karagdagang teaching positions, pagpapalakas ng non-teaching workforce, pagbawas sa administrative requirements, at pagpapalawak ng career advancement at professional development opportunities.

Kasabay nito, patuloy na pinauunlad ang mga allowance, incentives, at iba pang benepisyo para sa mga guro.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, pinatitibay ang suporta sa mga guro upang higit silang makapaglaan ng panahon at lakas sa paggabay sa isang henerasyong handang mangarap, maglingkod, at mamuno para sa bayan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here