Home NATIONWIDE PBBM isinailalim sa precautionary medical observation sa masamang pakiramdam

PBBM isinailalim sa precautionary medical observation sa masamang pakiramdam

208
0

MANILA, Philippines – BALIK- Malakanyang na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos manatili magdamag sa St. Lukes Hospital sa Quezon City para isailalim sa precautionary medical observation dahil nakaramdam ng ‘discomfort’.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na maayos na ngayon ang kondisyon ng Pangulo matapos na dalhin sa nasabing ospital, Miyerkules ng gabi dahil sa naramdaman ngang discomfort.

“The President continued to carry out his responsibilities while under medical observation and has returned to Malacañang,” ani Castro.

”Siya po ay nasa maayos na kalagayan at mamayang hapon po ay magkakaroon pa po siya ng dalawang pribadong meetings,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Aniya pa, walang dapat na ipag-alala ang publiko lalo pa’t ‘fully capable’ ang Pangulo na gampanan ang kanyang tungkulin at ipagpapatuloy nito ang kanyang mga naka-iskedyul na aktibidad.

Sa katunayan, ipinagpatuloy na ng Pangulo ang pakikipag-ugnayan sa mga makabuluhang opisyal sa pamamagitan ng serye ng pribadong pagpupulong at nalalapit na public engagements.

“Ang importante rito at dapat natin maipaalam sa ating mga kababayan na siya po ngayon ay muling nagtatrabaho at nasa Malacañang. Siya ay nasa maayos na kalagayan  at mamayang hapon ay magkakaroon pa siya ng dalawang pribadong meetings,” ang tinuran pa rin ni Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here