MANILA, Philippines – NAKATAKDANG lumipad patungong Osaka, Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang bisitahin ang World Expo 2025 at dumalo sa mga business meetings.
“President to leave for Osaka, Japan for World Expo and business meetings,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Sa ngayon, hindi pa masabi ng PCO ang eksaktong petsa ng pag-alis ng Pangulo at iba pang detalye kaugnay nito.
Ang World Expo 2025 ay binuksan sa publiko noong Abril 13.
Sa kabilang dako, sinabi ng Department of Tourism na mahigit 40,000 katao ang bumisita sa Philippine Pavilion sa loob lamang ng siyam na araw.
Samantala, ang World Expo ay tatakbo hanggang Oktubre 13, 2025. Kris Jose