Iminungkahi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na lagyan ng label o disclaimer ang mga nilalaman na ginawa gamit ang AI para matulungan ang mga netizens na malaman kung ito ay AI-generated.
Ayon kay Renato “Aboy” Paraiso, Deputy Executive Director ng CICC, tututukan nila ang mga gumagamit ng AI para sa panlilinlang at pagkalat ng maling impormasyon.
May mga platform tulad ng Meta (Facebook at Instagram) at TikTok na naglalagay na ng label sa AI-generated na mga larawan, video, at audio.
Samantala, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na dapat turuan ng paaralan ang mga estudyante ng critical thinking para harapin ang pagdami ng AI content. Santi Celario