Home HOME BANNER STORY PBBM may napili nang bagong PNP chief

PBBM may napili nang bagong PNP chief

304
0

MANILA, Philippines – May napili na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP), ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

Hindi pa isinapubliko ang pangalan, ngunit inilarawan ni Remulla ang napili bilang mahusay at may maayos na track record.

Iginiit din niya ang kahalagahan ng mas mahabang termino para sa PNP chief upang magkaroon ng tuloy-tuloy na pamumuno.

Nakatakdang magretiro si PNP chief Gen. Rommel Marbil sa Hunyo 7 matapos ang apat na buwang ekstensyon.

Kabilang sa mga kuwalipikadong pumalit ay sina Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., Lt. Gen. Robert Rodriguez, Lt. Gen. Edgar Alan Okubo, Maj. Gen. Nicolas Torre III, at Maj. Gen. Anthony Aberin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here