Home NATIONWIDE PBBM, nagbigay ng ultimatum sa NCR declogging

PBBM, nagbigay ng ultimatum sa NCR declogging

292
0

MANILA, Philippines – Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin ang paglilinis at pag-declog ng mga ilog at waterways sa Metro Manila bago ang wet season ng 2026, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon.

Bahagi ito ng “Oplan Kontra Baha,” na naglalayong linisin ang mga drainage, kanal, at ilog sa buong bansa upang maiwasan ang pagbaha.

We really should clear all of this before the rainy season next year so that the flooding in Metro Manila can be alleviated at least.” Idinagdag niya na kahit hindi ganap na mawawala ang pagbaha, “kung sakali man, mabilis itong bababa,” ani Dizon.

Nakikipagtulungan ang DPWH sa Metro Manila Development Authority, mga lokal na opisyal, at National Housing Authority upang ilipat ang mga informal settlers na nakatira sa tabi ng waterways.

Isinasagawa rin ang katulad na operasyon sa Metro Cebu at Bacolod City. Ani Dizon, “It’s the first time this has been done on this scale.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here