Home NATIONWIDE PBBM nagdeklara ng #WalangPasok sa ilang LGUs

PBBM nagdeklara ng #WalangPasok sa ilang LGUs

MANILA, Philippines- Nagpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive orders na nagdedeklara ng special non-working holidays sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad.

  • Proclamation No. 680 – Paggunita sa kapanganakan ni Llanes-Escoda, isang World War II heroine at Girl Scouts of the Philippines founder, sa September 20 sa Dingras, Ilocos Norte. 

  • Proclamation No. 681 – 452nd founding anniversary ng San Mateo, Rizal sa September 21. 

  • Proclamation No. 682 – Pagdiriwang ng Provincial Indigenous People’s Day sa Mountain Province sa October 4. 

  • Proclamation No. 683 – 33rd Araw ng Guipos sa October 7 sa Guipos, Zamboanga del Sur. 

  • Proclamation No. 684 – Aldaw Ti Wayawaya-lli A Narvacan sa Narvacan, Ilocos Sur sa October 23. 

  • Proclamation No. 685 – Cimarrones Festival sa Pili, Camarines Sur sa October 24. 

  • Proclamation No. 686 – Founding anniversary ng Lemery, Batangas sa October 25. 

Noong Enero, inilista na ni Marcos ang holidays para sa 2024. RNT/SA