SULU- Dinakma ng kanyang mga kabaro ang isang pulis at tatlo pa nitong kasama matapos makuhanan ng malaking halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), iniulat kahapon sa Jolo, Sulu.
Kinilala ni director Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Gil Cesario Castro, ang mga nadakip na suspek na sina Sgt. Radjah Ismula, Andam Alidjam, Rashi Jallaw at Mid Armi Alidjam.
Sa pinagsamang operasyon ng PDEA-BARMM at Sulu Provincial Police Office, nadakip ang mga suspek sa Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu.
Nakuha sa mga suspek ang P13.6 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek at at nanganganib din na masibak sa tungkulin si Ismulah. Mary Anne Sapico