Home NATIONWIDE PBBM nagkaloob ng P130M tulong sa Bicol LGUs

PBBM nagkaloob ng P130M tulong sa Bicol LGUs

134
0

MANILA, Philippines- Nagpalabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kabuuang P130 milyon sa local government units (LGUs) sa Bicol Region na labis na apektado ng pananalasa kamakailan ni Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).

Ayon sa Presidential Communications Office, nagbigay si Marcos ng P50 milyon kay acting Albay Governor Glenda Ong-Bongao at P30 milyon kay Naga City Mayor Nelson Legacion mula sa Office of the President.

Nagpaabot din ng P50 milyon sa Camarines Sur.

Bagama’t nakalabas na si Kristine ng Philippine Area of Responsibility noong Biyernes, sinabi ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga apektado.

“Mayroon naman tayong sistema para tulungan lahat ‘yung mga naging biktima. And all of that is in place,” ani Marcos kasunod ng situation briefing sa Naga City Hall nitong Sabado.

 Bumisita rin siya sa evacuation centers. 

“Iyong mga food pack natin, ‘yung mga hygiene kit, na-in place lahat ‘yan. Sapat naman ‘yung ating supply so far,” pahayag niya. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here