MANILA, Philippines- Balik-operasyon na ang Philippine National Railways (PNR) sa rutang Lucena-Calamba-Lucena ngayong Lunes, Oktubre 28 matapos manalasa ang bagyong Kristine.
Ayon sa PNR, nagsagawa ng masusing inspeksyon sa mga riles at tulay na daraanan ng mga tren at natapos na rin ang clearing operations sa nasabing ruta.
Ganap na alas-5 ng umaga ang unang biyahe ng tren sa Lucena Station.
Magbababa at magsasakay ng pasahero ang tren sa mga istasyon ng Lucena, San Pablo, at Calamba, maging sa mga flagstops sa Sariaya, Lutucan, Candelaria, Tiaong (Lalig), IRRI, College, Los Baños, Masili, at Pansol.
Samantala, suspendido pa rin ang mga biyahe ng PNR sa Bicol region.
Manatiling naka-follow at like sa official facebook page ng PNR para sa mga bagong impormasyon at schedule ng biyahe ng mga tren. Jocelyn Tabangcura-Domenden