Home NATIONWIDE PBBM naglaan ng P3B para sa OFW repatriation mula Gitnang Silangan

PBBM naglaan ng P3B para sa OFW repatriation mula Gitnang Silangan

2
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang agarang pagpapalabas ng karagdagang P3 billion para palakasin ang ‘repatriation at reintegration program’ ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na na-displaced ng labanan sa Gitnang Silangan.

Ang karagdagang pondo ay gagamitin na pantustos sa buong “repatriation chain, from post-departure assistance, to flights, to reintegration,” ayon kay Executive Secretary Ralph Recto sa isang kalatas.

“War or not, there are Filipinos in extreme distress that we should bring home,” dagdag na pahayag ni Recto.

‘As of June 17,’ mayroong 10,446 pinoy ang ligtas na nakabalik sa Pilipinas mula sa Gitnang Silangan sa pamamagitan ng DMW-organized humanitarian flights. Kabilang dito ang 8,281 OFWs, 1,803 dependents, at 362 stranded citizens.

“If you will recall, these flights became medevacs (medical evacuation) for sick Filipinos as well. The DMW, through the brilliant leadership of Secretary Hans Cacdac, brought medical personnel on board to care for them,” ang sinabi ni Recto.

Dinagdagan naman ni Pangulong Marcos ang OFW assistance fund “because the president does not want repatriation to be a mere airport-to-airport thing.”

“The president’s order is that OFWs should not be left on their own after they return to our country. What the president wants is for assistance to reach provinces with people in urgent need, and above all, to provide economic opportunities for our repatriated OFWs,” ang winika ni Recto.

Hindi naman nilinaw ng Office of the Executive Secretary kung saan huhugutin angP3 billion lalo pa’t limitado ang fiscal space ng 2026 national budget.

Sa ulat, sinabi ni DMW Secretary Hans Cacdac sa isinagawang Senate committee hearing nito lamang Marso, mangangailangan ang gobyerno ng Pilipinas ng P13 billion para pauwiin ang lahat ng mga filipino na direktang apektado ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa P1.5-billion na Emergency Repatriation Fund ng Overseas Workers Welfare Administration’s (OWWA) ‘as of March’, sinabi ng ahensiya na ang maaari lamang na masaklaw nito ay ang pagpapauwi sa mahigit na 10,000 pinoy.

“Before the crisis in the Middle East, the repatriation cost per person was about P135,000 to P140,000,” ayon sa OWWA.

Ang DMW ay mayroong P2 billion sa ilalim ng Aksyon (Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan) Fund sa 2026 national budget para magbigay ng legal, medical, at financial support para sa mga distressed OFWs at kanilang pamilya.

Magsasagawa naman ang Estados Unidos at Iran ng panibagong ikot ng negosasyon sa Geneva, matapos sabihin ng Tehran na muli nitong isasara ang Strait of Hormuz dahil sa naging pag-atake ng Israeli sa Lebanon.

Inanunsyo naman ng Washington ang renewed ceasefire bilang kondisyon ng preliminary agreement nito sa Iran. Subalit muli na namang nagpang-abot ang Israeli troops at Hezbollah fighters, araw ng Sabado, inakusahan ng bawat isa ng pagsira sa kasunduan.

Sa kabilang dako, sa pagdating ng repatriated OFWs, ang “standard welcome package” na maaaring i-avail ng mga ito para sa kanilang sarili ay kinabibilangan ng “financial assistance, psychosocial counseling, medical assessment, reemployment guidance, livelihood,” ang sinabi ni Recto, tinukoy ang DMW briefer.

“By tapping the skills of the OFWs honed by their work abroad, society benefits as well. This is a kind of technology transfer that helps the economy. This is a brain gain we need,” aniya pa rin.

At upang mapabilis ang muling pagsama ng mga OFWs sa mga manggagawa, nagsagawa ang DMW ng 15 Bayanihan Para Sa Balikbayang Manggagawa National Reintegration Network and Job Fairs sa buong bansa.

“These one-stop-shop fairs network them to local and overseas work opportunities, livelihood support, and financial literacy programs, among other services,” ayon sa ulat.

Ang OWWA, sa pamamagitan ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program, ay nagbigay na ng livelihood aid sa 664 na bumalik na OFWs. Ang isang OFW ay maaaring makatanggap ng P20,000 na small business start-up assistance.

Para sa mga nagbabalik na Philippine-licensed teachers, lumikha ang Department of Education (DepEd) ng “hiring pathway” kung saan ay papayagan ang mga ito na magturo sa mga public schools.

Samantala, base sa pinakabagong data mula sa DepEd, may 10,000 dating OFWs ang sumama sa public teaching corps sa pamamagitan ng Sa Pinas, Ikaw ang Ma’am at Sir (SPIMS) program. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here