Home NATIONWIDE PBBM nagpaabot ng pagbati kay Pope Leo XIV

PBBM nagpaabot ng pagbati kay Pope Leo XIV

NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes kay Cardinal Robert Francis Prevost na pinili ang pangalang Pope Leo XIV matapos mapili bilang bagong Santo Papa.

Umaasa ang Pangulo na mas mailalapit ni Prevost ang Simbahang Katoliko sa mga mahihirap.

”On behalf of the Philippines, I congratulate Cardinal Robert Francis Prevost of the United States on his election as the successor of Pope Francis and leader of the 1.4 billion-strong Catholic Church,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

”As the new pontiff, who took the papal name Leo XIV, ascends the Chair of St. Peter and assumes the mantle of Bishop of Rome, I pray that he will continue to bring the Church closer to the poor and disadvantaged,” aniya pa rin.

Ipinagdarasal din aniya ng mga filipino na manatiling malakas at may mabuting kalusugan ang bagong Santo Papa bilang siya ang mamumuno na may biyaya, karunungan at habag.

”May his life and ministry inspire us to persevere in our daily walk with our Lord Jesus Christ,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.

Nauna rito, dumating na ang pinakahihintay na oras ng bilyong Katoliko dahil namataan na ang puting usok mula sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican ngayong Biyernes ng madaling araw, Mayo 9 (oras sa Pilipinas), matapos ang dalawang araw na conclave.

Ibig sabihin ng puting usok ay mayroon nang bagong nahalal na Santo Papa, na siyang papalit sa yumaong si Pope Francis.

Pagkatapos malaman ng resulta, dito na mamamagitan ang dean of the College of Cardinal upang tanungin ang elected Cardinal kung tinatanggap niya ang resulta ng eleksyon.

At kung tinatanggap ng elected cardinal ang resulta, nakatakda siyang pumili ng “Papal name” at saka siya bibihisan ng papal vestment. Matapos nito, saka siya ihaharap sa balkonahe ng St. Peter’s Basilica upang ipakilala sa buong mundo. Kris Jose