MANILA, Philippines – Humarap sa unang preliminary investigation ng Department of Justice si Vice President Sara Duterte.
Pinanumpaan at personal na nilagdaan ni VP Sara ang isinumite nito na counter affidavit sa mga kasong inciting to sedition at grave threats kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon sa legal counsel ni VP Sara na si Atty. Michael Poa, mismong si VP sara ang nagdesisyon na personal na humarap sa preliminary investigation.
Dahil kailangan niya rin personal na panumpaan ang salaysay nito at lagdaan sa harap ng mga prosecutor ng Task Force Special Cases, na nasa ilalim ng office of the prosecutor general, na may hawak ng mga isinampang reklamo ng nbi.
Laman ng kontra-salaysay ay ang paggiit na ibasura ang mga reklamo dahil walang sapat na basehan kalakip ang nga ebidensya para maibasura ito.
Mabilis lang ang proseso na bago mag-alas 3 ng hapon ay nakaalis na si VP sara para sa isa pang aktibidad na dadaluhan.
Nag-ugat ang reklamo laban sa Vice President sa mga live statement niya sa social media kamakailan na may pagbanta umano sa Pangulo, first lady, at house speaker na kapag siya ay namatay ay mayroon na siyang binayarang hired killer para patayin ang mga ito.
Nakatakda naman sa May 16 ang susunod na preliminary hearing kung saan inaasahang magsusumite ang NBI ng tugon sa kontra-salaysay ni VP sara.
Kapag hindi na magsusumite ang NBI ng tugon ay submitted for resolution na ang mga reklamo laban sa VP, ibig sabihin, dedesisyunan na ng DOJ kung may sapat na basehan para iakyat sa korte ang kaso o kung wala naman ay ibabasura ito. Teresa Tavares