Home NATIONWIDE PBBM nagtatag ng gov’t spending tracking platform ‘COMPASS’

PBBM nagtatag ng gov’t spending tracking platform ‘COMPASS’

1
0

MANILA, Philippines – NAGTATAG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng sentralisadong plataporma na naglalayong pahintulutan ang publiko na subaybayan ang government budget, paggastos at implementasyon ng proyekto.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Executive Order No. 126 nito lamang Setyembre 28, pagtatatag ng Centralized Open Monitoring Platform for Appropriations and Spending Statistics (COMPASS).

“Kapag pera ng bayan ang pinag-uusapan, dapat malinaw kung saan ito napupunta. Hindi dapat mahirap alamin kung magkano ang inilaan, saan ginastos, at ano ang naging resulta. COMPASS lets the public follow every peso,” ang sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto sa isang kalatas.

Mula tracking budgets, sinabi ng Malakanyang na ang COMPASS ay magbibigay ngayon ng impormasyon ukol sa aktuwal na implementasyon ng mga proyekto, kabilang na ang kanilang financial performance, implementation at completion status, procurement information, at iba pang transparency-related data generated sa buong national budget cycle.

Idagdag pa rito, direktang inaatasan ng kautusan ang mga ahensiya ng gobyerno na magsumite at mag-update na kaugnay na impormasyon sa pamamagitan ng COMPASS habang hinihikayat naman ang local government units na gumamit ng plataporma.

Ang COMPASS ay maaari ring iugnay sa umiiral an digital systems, kabilang na ang integrated Financial Management Information System, Budget and Treasury Management System, Philippine Government Electronic Procurement System, Digital Information for Monitoring and Evaluation, at E-Gov PH App.

Samantala, ang COMPASS Council ang mangangasiwa ng plataporma.

Sinabi ng Malakanyang, ang DBM ang tatayong chairman ng konseho at ang co-chair naman ang Department of Information and Communications Technology.

Ang Department of Finance at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga magsisilbi namang miyembro nito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here