Home NATIONWIDE Posibleng electoral sabotage sa Basilan iniimbestigahan ng COMELEC

Posibleng electoral sabotage sa Basilan iniimbestigahan ng COMELEC

1
0

MANILA, Philippines – SINISILIP ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibleng electoral sabotage sa Maluso, Basilan matapos mabuking ang pre-shading at pag-tamper sa mga balota para sa BARMM parliamentary elections.

Aabot sa 36 na presinto ang apektado, na may kabuuang 16,543 balota ang sangkot sa insidente.

Dahil dito, agad na pinahinto ng COMELEC ang distribusyon ng mga apektadong balota at nagpa-reprint ng bago para maipagpatuloy ang halalan.

Pero hindi doon natapos ang aksyon ng komisyon.

Naglabas na ng subpoena ang COMELEC laban sa ilang opisyal — kabilang ang Provincial Election Supervisor, Election Officer ng Maluso, Municipal Treasurer at Mayor — para magpaliwanag sa insidente.

Nilinaw ni COMELEC Chairman George Garcia na hindi nangangahulugang guilty na ang mga pinatawag.

Kailangan aniyang makuha ang kanilang panig para makumpleto ang imbestigasyon.

Babala ni Garcia, kung mapatutunayang sinadya ang pag-tamper at mahigit 10,000 boto ang sangkot, maaari itong ituring na electoral sabotage o isang mabigat na election offense.

Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng COMELEC para matukoy kung sino ang nasa likod at kung sino ang dapat managot sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here