Home NATIONWIDE DOLE naglabas ng pay rules sa mga holiday sa 2027

DOLE naglabas ng pay rules sa mga holiday sa 2027

1
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pay rules para sa mga holiday sa 2027.

Alinsunod sa Proclamation No. 1427, idineklarang regular holidays ang Enero 1, Marso 25, Marso 26, Abril 9, Mayo 1, Hunyo 12, Agosto 30, Nobyembre 30, Disyembre 25, Disyembre 30, Eid’l Fitr (takda ay iaanunsyo pa), at Eid’l Adha (takda ay iaanunsyo pa).

Ayon sa Labor Advisory No. 17, ito ang dapat sundin:

REGULAR HOLIDAYS

Kapag hindi pumasok: 100% ng sahod ang matatanggap ng manggagawa basta sa kondisyon na ang empleyado ay pumasok sa trabaho o naka-leave with pay sa araw bago ang regular holiday (basic wage x 100%).

May holiday pay pa rin ang isang manggagawa kung ang arawa bago ang regular holiday ay non-working day o scheduled rest day kung ang empleyado ay pumasok sa trabaho o naka-leave with pay sa araw bago ang non-working day o rest day.

Kapag pumasok,makakatanggap ng 200% ng sahod sa unang walong oras, (basic wage x 200%) at kapag lagpas sa walong oras: plus 30% ng hourly rate. (hourly rate x 200% x 130% x bilang ng oras na pinasok)

Kapag regular holiday na tumapat sa rest day at pumasok makakatanggap ng karagdagang 30% ng 200% basic wage (basic wage x 200% x 130%)

Kapag lagpas 8 oras at tumapat sa rest day ay may karagdagang namang 30% ng hourly rate (hourly rate x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras).

Para naman sa special non-working days sa Peb. 6, Mar. 27, Ago. 21, Nob. 1, Nob. 2, Dis. 24, at Dis. 31, ang mga empleyado na hindi pumasok ay no work no pay maliban kung may company policy o collective bargaining agreement na nagbibigay ng special pay.

Kapag pumasok: plus 30% ng basic wage sa unang 8 oras (basic wage x 130%)

Kapag lagpas 8 oras: plus 30% ng hourly rate (hourly rate x 130% x 130% x bilang ng oras)

Kapag special day na tumapat sa rest day at pumasok: plus 50% ng basic wage sa unang 8 oras (basic wage x 150%)

Kapag lagpas 8 oras at tumapat sa rest day: plus 30% ng hourly rate (hourly rate x 150% x 130% x bilang ng oras)

SPECIAL WORKING DAY (Peb. 25)

Ituturing na ordinary working day para sa sahod at benepisyo.

“No work, no pay” naman kung hindi pumasok, maliban kung may company policy o CBA na nagbibigay ng special pay.

Kapag pumasok: 100% ng sahod sa unang 8 oras (basic wage x 100%)

Kapag lagpas 8 oras: plus 25% ng hourly rate (hourly rate x 125%). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here