Home NATIONWIDE PBBM, nais gumamit ng AI na magpa-flag sa mga maanomalyang flood control...

PBBM, nais gumamit ng AI na magpa-flag sa mga maanomalyang flood control projects

333
0

MANILA, Philippines – Kinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paggamit ng artificial intelligence (AI) technology para epektibong ma-monitor ang kalagayan ng flood control projects sa bansa.

“Mayroon tayong nakita na bagong smart technology na ginagamit na ang AI. Ito ay tinitingnan lang. Ang tinitingnan niya – ‘yung AI tinitingnan niya ‘yung proseso nung kontrata. At pagka mayroong hindi tama ang takbo ng proseso ng kontrata ay magfa-flag ‘yan. Kailangan magfa-flag, tingnan niyo ulit ito dahil mukhang may problema, hindi tama ang ginawa at may question kung talaga bang may project na ganyan. May nagkukuwestiyon kung maganda ba ang pag-implement ng proyekto,” ang sinabi ng Pangulo sa press conference na idinaos sa Presidential Broadcast Studio, Kalayaan Hall, Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Nobyembre 13.

“Kaya gagamitin natin lahat ng paraan na nasa atin, pati nga hanggang AI, lahat ng smart technology na ating nakikita na lumalabas, ay gagamitin natin lahat ‘yan para inspeksyunin.” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na nakatuon ang AI sa pag-check at pagtukoy sa anumang anomalya sa kontrata na na iniuugnay sa flood-control projects.

“Una, mayroon tayong smart technology para tingnan kung ano ba talaga ang standard, kung maganda ang pagkaayos. Ito tinitingnan kung talagang nilalagyan ng rebar, kung talagang – kung makapal talaga ‘yung konkreto, ‘yung semento sa tamang specification,” anito.

‘Yung isang smart technology na gagamitin natin, ‘yung aking nabanggit, titingin sa proseso ng kontrata para ‘pag may nakitang hindi tama, makikita natin kaagad. Maglilista ‘yan, makikita natin, babalikan natin at imbestigahan natin bakit ganyan ang nangyari,” ang sinabi pa rin ng Pangulo. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here