Home NATIONWIDE PBBM nais ng mas maayos na implementasyon ng ‘zero balance billing’ sa...

PBBM nais ng mas maayos na implementasyon ng ‘zero balance billing’ sa DOH hospitals

337
0

MANILA, Philippines – HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang lahat ng Department of Health (DOH)–run hospitals ay marunong sa zero balance billing procedure upang masiguro ang maayos na patient-hospital transactions.

Inihayag ito ng Pangulo matapos niyang bisitahin ang Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City, Leyte, para personal na i-tsek ang zero balance billing ay maayos na naipatutupad.

“We just have to make sure that all hospitals across the Philippines know the procedure since this is new,” ang sinabi ng Pangulo.

“But I think they can manage, because it’s very clear what PhilHealth [Philippine Health Insurance Corporation] is, what the DOH is, and who is qualified. Almost everyone is qualified,” aniya pa rin.

Nauna rito, sinabi pa ng Pangulo na inatasan na niya si Health Secretary Teodoro Herbosa na tiyakin na ang mga ospital ay well-versed o bihasa sa zero balance billing process.

“So that’s what we are seeing here. Alright, let’s just keep going, keep moving forward. We will continue to improve this. This is a good development, but there is still much to be done for the healthcare system — and we can do it. We will definitely see real improvements,” ang winika ng Chief Executive.

Matatandaang, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 28, 2025, ang pagpapatuloy ng Zero Balance Billing policy.

Aniya, “Itinuloy na po natin ang zero balance billing. Libre po. Ibig sabihin, ang serbisyo sa basic accommodation sa ating mga DOH na ospital wala nang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo. Uulitin ko, wala nang kailangan bayaran ang pasyente basta sa DOH hospital dahil bayad na po ang bill ninyo.”

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na ina-apply lamang ito para sa ‘basic o ward accommodation.’

Samantala, namahagi naman si Pangulong MArcos ng 124 patient transport vehicles para sa Eastern Visayas sa Ormoc City.

Sa kanyang naging talumpati, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga healthcare workers na manatili at magsilbi sa Pilipinas bilang bahagi ng layunin ng administrasyon na palakasin ang healthcare system sa bansa.

“You know, our nurses and doctors are thinking of leaving and working abroad. But we are encouraging them to stay. They are Filipinos; of course, they want to help their own people,” ani Pangulong Marcos.

Idinagdag pa niya na sa kauna-unahang pagkakataon sa Pilipinas, ang bawat isang munisipalidad at lungsod ay kailangan na mayroong isang doktor ngayon. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here