Home NATIONWIDE PBBM, nakiisa sa mga world leaders na nagbigay-pugay sa namayapang dating US...

PBBM, nakiisa sa mga world leaders na nagbigay-pugay sa namayapang dating US prexy Jimmy Carter

MANILA, Philippines – NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ibang world leaders na nagbigay -pugay kay dating US President Jimmy Carter na namayapa sa edad na 100, araw ng Linggo, Disyembre 29.

Inilarawan ng Pangulo si Carter bilang isang “humanitarian who practiced what he preached: Houses for the homeless and human rights for the oppressed.”

“Guided by his faith, he was a servant leader who pursued peace in places torn by war and prosperity in societies broken by want. These are universal values he fought for which are embraced by people everywhere, including Filipinos, as the cornerstone of a better, kinder society they deserve to live in,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas, araw ng Lunes, Disyembre 30.

“He was a model of the power to do good, with the benefit of public office or bereft of it, driven, not by politics nor personal gain, but by pure love to one’s fellowmen,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Sa ulat, si Carter ay pang-39 na pangulo ng US na nangasiwa ng peace deal sa Middle East noong panahon niya.

Naging adbokasiya niya ang global health at human rights.

Ang Georgia Democrats ay itinuturing na longest-lived president sa kasaysayan ng US.

Naging isang termino lamang siya matapos na talunin siya ni Ronald Reagan noong 1981.

Mula noon ay nakatuon ito sa international relations at human rights na siyang nagdala ng pagkapanalo niya sa Nobel peace prize noong 2002.

Sumailalim na sa iba’t-ibang serye ng gamuntan ang dating pangulo at noong Pebrero ng nakaraang taon ay pinili niyang manatili sa bahay na inaalagaan ng ilang medical experts.

Namayapa ang asawa nito na si Rosalynn Carter noong Nobyembre sa edad naman na 96. Kris Jose