Home NATIONWIDE PBBM nakipagkita kay Torre kasabay ng Balik Eskwela

PBBM nakipagkita kay Torre kasabay ng Balik Eskwela

MANILA, Philippines – Nagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Philippine National Police chief Police General Nicolas Torre III nitong Lunes, Hunyo 16, para pag-usapan ang police visibility at seguridad sa mga paaralan kasabay ng pagbubukas ng School Year 2025-2026.

Sa pagpupulong, ipinakita ni Torre kay Marcos ang view mula sa bodycam ng rumespondeng pulis sa demonstrasyon ng three- to five-minute response time ng PNP sa 911 calls.

Ani Torre, ang mga kaso ng bullying sa mga paaralan ay maaari ring maireport sa 911 hotline ng PNP.

Sa pagbisita sa ilang paaralan sa Quezon City, inatasan ni Torre ang mga police commander na maging mapagmatyag sa street crimes at bullying.

Nasa 27 milyong inaasahang nag-enroll mula preschool at senior high school ngayong taon ang nagbalik-eskwela na ayon sa Department of Education. RNT/JGC