MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang chairman ng Emirates Nuclear Energy Corporation (ENEC) sa Palasyo ng Malakanyang nang mag-courtesy call ang huli sa una, araw ng Lunes.
Nakapulong ni Pangulong Marcos si ENEC chairman H.E. Mohamed Al Hammadi sa Palasyo ng Malakanyang, pasado alas-2 ng tanghali.
Ayon sa website nito, ang ENEC ay binigyan ng mandato ng UAE Government para ihatid ang UAE Peaceful Nuclear Energy Program at i-develop ang cornerstone ng UAE Program; ang Barakah Nuclear Energy Plant, itinuturing na ‘first nuclear new build project’ sa Arab World.
Nakatrabaho na nito ang ilang local, regional, at international stakeholders para ihatid ang layunin para sa ‘developing peaceful nuclear energy’ para sa UAE.
Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang 8th Philippine Space Council meeting kung saan ipinabatid sa kanya ang kanyang mga naunang direktiba ukol sa ‘development at utilization’ ng space science t technology sa bansa.
Isang replika ng Multilateral Unit for Land Assessment satellite at Pandora instruments ang ginamit para sa air quality measurement ang pinresenta kay Pangulong Marcos. Kris Jose