Home NATIONWIDE PBBM, nasa Singapore na para sa Asia’s premier defense summit

PBBM, nasa Singapore na para sa Asia’s premier defense summit

DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore, Miyerkules ng hapon, Mayo 29, kung saan ay inaasahan ang kanyang pagdalo sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), dumating ang Pangulo sa Singapore ng alas- 4:52 ng hapon.

Ang Pangulo ay nagmula sa kanyang two-day state visit sa Brunei Darussalam kung saan sinelyuhan ang kasunduan sa iba’t ibang larangan gaya ng maritime cooperation, turismo, seafaring, at agrikultura at nakipagpulong sa business leaders ng Sultanate.

Sinabi ng Pangulo sa isang panayam sa Brunei, na ang kanyang keynote address sa Shangri-La Dialogue, itinuturing bilang “Asia’s premier defense and security gathering” ay nakatuon sa posisyon ng Pilipinas sa ‘defense at diplomacy’ at commitment nito sa rules-based order at constructive multilateralism sa gitna ng geopolitical tensions sa Indo-Pacific region.

Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang Filipino president na magtatalumpati sa forum, na nakatakda sa Biyernes ng gabi, Mayo 31.

“The fact that they asked the Philippine President to come and speak on that very subject is significant in the sense that it is a recognition that there are challenges that are facing the Philippines, specifically,” ang sinabi ni Pangulong Marcos ayon sa PCO.

“And not only the Philippines, but this affects the region and it affects the world. So, what I will present in the Shangri-la forum [the] day after tomorrow is going to essentially try to explain the position of the Philippines for both legally and geopolitically and diplomatically, and how we see the ways forward for the Philippines and for the region,” dagdag na wika nito.

Ang paliwanag pa rin ng Pangulo na ang West Philippine Sea, bahagi ng malawak na South China Sea na inaangkin ng Tsina, ay mahalaga sa global economy at ang stakeholders nito ay hindi na limitado lamang sa Southeast Asia, Asia, at Indo-Pacific.

“This makes the Philippines’ position so important in the decision-making of many of the policymakers around the world,’ ayon kay Pangulong Marcos.

Samantala, inaasahan naman na dadalo sa Shangri-La Dialogue ang maraming stakeholders sa larangan ng tanggulan o depensa, mula heads of governments, heads of states, at defense of ministers hanggang sa industry players mula sa 40 bansa kabilang na ang Tsina.

Matatandaang, ang iba pang world leaders na naghayag ng kanilang keynote addresses ay sina Australian Prime Minister Anthony Albanese noong 2023; Thailand Prime Minister General Prayut Chan-O-Cha noong 2016; Malaysian Prime Minister Dato Sri Najib Tun Razak noong 2011; Republic of Korea President Lee Myung-Bak noong 2010; at Australian Prime Minister Kevin Rudd noong 2009.

Maliban sa pagsasalita sa defense forum, magkakaroon din si Pangulong Marcos ng serye ng high-level meetings kasama ang mga Singaporean officials para sa kanyang two-day working visit.

Ang pagbisita ng Pangulo sa Singapore ay pagpapaunlak sa naging imbitasyon ni dating Prime Minister Lee Hsein Loong.

Sinasabing umabot na sa 55 taon ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Singapore matapos na pormal na itatag ng dalawang bansa ang kanilang ugnayan noong May 16, 1969. Kris Jose