Home NATIONWIDE Wala akong kinalaman sa pagpapatalsik kay Zubiri – PBBM

Wala akong kinalaman sa pagpapatalsik kay Zubiri – PBBM

MANILA, Philippines – MARIING itinanggi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siya ang may pakana at nasa likod ng pagpapatalsik kay Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate President.

Nabanggit kasi ni Zubiri na mayroong ‘outside forces’ ang nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya bilang Senate President, sabay sabing nawala sa kanya ang nasabing posisyon dahil nabigo siyang “ to follow instructions from the powers that be.”

Nang hingan ng komento ang Pangulo sa bagay na ito, sinabi niya na hindi siya sigurado kung ano at sino ang nais na tukuyin ng senador.

“I guess if you’re Senate President, the only power that be is the President. So, I’m not sure what he is referring to. If that is a specific instance or just as a general principle, I don’t know. I haven’t spoken to him about it,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nauna rito, nagbitiw si Zubiri bilang Senate President sa gitna ng bali-balita na kudeta laban sa kanyang liderato noong May 20, 2024.

Makalipas ang isang araw ay kaagad namang hinalal si Senador Chiz Escudero bilang bagong lider ng Senado.

Inamin ng Pangulo na ipinaalam sa kanya ni Escudero ang kanyang plano na i-take over ang Senate leadership bago pa isinagawa ang pagpapatalsik kay Zubiri.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na wala siyang kinausap na kahit na anumang partido sa bagay na ito dahil nagkataon na siya ay nasa ‘out of town’, natanggap na lamang aniya niya ang balita nang maupo na si Escudero bilang bagong Senate President nang bumalik siya sa Maynila mula sa out-of-town trip.

“So, that’s the extent. That‘s how I was basically informed at every step of the way but it moves so quickly as well,” ayon sa Pangulo.

“But of course, we knew the state of the voting. When that was still being collected, the votes were still being collected by Senator Chiz,” aniya pa rin.

At nang tanungin naman ang Pangulo kung nananatili ang kanyang tiwala kay Zubiri, ang naging tugon ng Pangulo ay wala siyang kinalaman at alam sa pagpapalit ng Senate leadership.

“It was made by the senators,” ayon kay Pangulong Marcos.

“So, that does not reflect on my view on Senator Migz and the trust and confidence that I have in him,” dagdag na wika nito. Kris Jose