Home NATIONWIDE China: Pinas walang dapat ipag-alala sa bagong coast guard rule

China: Pinas walang dapat ipag-alala sa bagong coast guard rule

WALANG dapat na ikabahala ang Pilipinas sa bagong patakaran na binalangkas ng coast guard ng Tsina ukol sa pag de-detain ng mga dayuhan sa West Philippine Sea (WPS).

Napaulat na sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kamakailan na ang bagong polisiya ng Tsina ay “completely unacceptable.”

Bukod pa sa, ang bagong alituntunin ng coast guard ng Tsina ay “act of escalation” at nakababahala.

Hindi naman lingid sa publiko na mayroong ‘maritime sovereignty disputes” ang Tsina sa Pilipinas at sa iba pang bansa, nagpalabas ang Tsina ng bagong patakaran epektibo Hunyo 15 na naglalayong ipatupad ang 2021 coast guard law at payagan ang detensyon ng mga dayuhang na paghihinalaan na nag-trespassing.

Layon pa rin ng bagong patakaran na “to standardize law enforcement and better uphold maritime order, ” ayon kay Chinese foreign ministry spokesperson Mao Ning.

“There is no need for any individual or entity to worry “as long as there is no illegal behavior”, dagdag na pahayag ni Mao.

Samantala, sinabi naman ni Pangulong Marcos na “The Philippines “will use any point of contact with China to stop aggressive actions” and allow Filipino fishermen to fish in the South China Sea.” Kris Jose