Home METRO 3 tulak nalambat sa magkahiwalay na Pasay drug ops

3 tulak nalambat sa magkahiwalay na Pasay drug ops

Sa patuloy na pakikipaglaban ng Pasay city police sa ilegal na droga ay tatlong suspects, kabilang ang isang babae, ang inaresto sa ikinasang buy-bust operation nitong magkasunod na dalawang araw, Mayo 27 at 28.

Kinilala ang mga inarestong suspects na sina alyas Pung, 20, isang babae at residente ng Saint Cecille St., Barangay 178; alyas Pango, 46, barangay watchman, ng Cornejo St., Malibay, Pasay City; at alyas Juneng, 18, residente ng Gamban St., Cabrera, Pasay City.

Sinabi ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr., unang nadakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang babeng suspect na si alyas Pung na isang street value individual (SVI) dakong alas 9:30 ng umaga ng Mayo 27.

Sa isinagawang buy-bust operation ay narekober saposesyon ng suspect ang 3.83 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P25,976.

Dakong alas 2:30 naman ng hapon ng Mayo 28 ay nadakip ang dalawang suspects na sina alyas Pango at alyas Juneng sa kahabaan ng E. Rodriguez St., Barangay 165, Pasay City sa ikinasang buy-bust opeation ng mga tauhan ng Substation 6.

Nakumpiska sa posesyon ng mga suspects ang 14 pirasong maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng 7.56 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P51,408.

Kasalukuyang nakapiit ang tatlong nadakip na suspects sa custodial facility ng Pasay City police na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (James I. Catapusan)