Home METRO P13.9-M shabu nasamsam sa Cotabato

P13.9-M shabu nasamsam sa Cotabato

PIGCAWAYAN, Cotabato-UMABOT sa P13.9M halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug dealer sa isinagawang entrapment operation noong Martes sa bayang ito.

Kinilala ni Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, ang mga nadakip na suspek na sina Marhaya Aziz Abdullah, 36, Kadapi Karim Jaca, 45-anyos, kapwa taga Zamboanga City at Ridzmer Nasher Abdul Kara, 38, taga Barangay Suba-Suba, Pandami Sulu,

Sa pinagsamang operasyon ng Pigcawayan-PNP, PRO-12 at ng Police Drug Enforcement Agency Group-12, nadakip ang mga suspek sa Room 3 ng Red High Heel Hotel na matatagpuan sa Barangay Balogo, Pigcawayan at nakuha sa mga ito ang 2.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.9M.

Narekober din sa mga suspek ang isang 9 millimeter Glock 17 pistol at puting Toyota Fortuner na ginagamit nilang sasakyan para sa iligal nilang kalakal mula Zamboanga City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek./Mary Anne Sapico