Home NATIONWIDE Binata hiniwalayan ng gf nagbigti, patay

Binata hiniwalayan ng gf nagbigti, patay

CAUAYAN CITY, Isabela – Sinalubong na ni kamatayan ang isang binata na labis nitong dinamdam nang hiwalay siya ng kanyang kasintahan o girlfriend matapos nitong kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa Purok 4, Brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima bilang si Alyas “Jay”, 27 anyos at tubong Cagayan na kasalukuyang nakatira sa Brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela.

Natagpuan ng isang helper na saksi ang wala ng buhay na katawan ng biktima, sa loob ng silid nito matapos itong magbigti gamit ang lubid.

Agad naman itong humingi ng tulong sa isang kagawad ng naturang Barangay at tumawag sa PNP Cauayan.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, inihayag umano ng naturang saksi, na nito lamang nakaraan araw ay una ng nagtangka magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng paglaslas nito sa sarili at nitong huli ay paggamit lubid.

Isa ring tinitingnan na dahilan ng pagbibigti ng biktima ay ang paghihiwalay nila ng kaniyang long distance partner.

Nabatid na ilang araw bago nangyari ang insidente ay nabanggit umano ng biktima ang pinagdadaanan nitong problema sa kanyang mga kaibigan na nakainuman nito. Rey Velasco