Home NATIONWIDE PBBM: Pagsasapribado ng power plants sa Laguna nagpapakita ng kumpiyansa ng mga...

PBBM: Pagsasapribado ng power plants sa Laguna nagpapakita ng kumpiyansa ng mga investor

215
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang matagumpay na privatization ng Caliraya-Botocan-Kalayaan Hydroelectric Power Plants (CBK HEPP) ay patunay ng tiwala ng mga mamumuhunan sa sektor ng enerhiya ng bansa.

“Ang privatization na ito ay nagpapakita ng kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa direksyon ng ating energy sector,” ang inihayag ng Pangulo sa turnover ceremony ng CBK HEPP sa Kalayaan, Laguna, araw ng Lunes, Pebrero 9, 2026.

“Ipinapakita rin nito kung paano nagiging maaasahang serbisyo ang pamumuhunan sa imprastruktura kapag pinagsama ang lakas ng publiko at pribadong sector,” dagdag ng Pangulo, na pinasalamatan ang Thunder Consortium sa pagtanggap ng responsibilidad para pangasiwaan nang pangmatagalan ang power plants.

Aniya, ang privatization na nagkakahalaga ng mahigit P36.27 bilyon ang magbibigay-daan upang mailaan ang pondo sa mahahalagang pangangailangan ng publiko tulad ng silid-aralan, kalsada, at mga ospital.

Sinabi rin ng CHief Executive na mahalaga ang CBK HEPP sa pagpasok ng renewable energy sa grid, na magbibigay ng matatag na supply ng kuryente para sa mga industriya at kabahayan.

Samantala, binubuo ng tatlong magkakaugnay na pasilidad, ang CBK HEPP ay isa sa pinakamalaking hydropower complex sa Luzon na may kabuuang kapasidad na 797 megawatt. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here