MANILA, Philippines — Humiling si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na mag-inhibit si Sandiganbayan Associate Justice Karl Miranda sa pagdinig ng kasong malversation na isinampa laban sa kanya kaugnay ng umano’y P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Sa isang urgent motion na inihain ng kampo ni Revilla sa Third Division ng Sandiganbayan, iginiit nilang may conflict of interest si Miranda dahil kapatid nito ang abogado ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Roberto Bernardo, na naging state witness at posibleng tumestigo laban sa dating senador.







