MANILA, Philippines – LABIS na nag-aalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanilang pamilya at ang mga kaibigan dahil sa kakaibang inaasal ngayon ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos.
Napaulat na pinaratangan kasi ni Imee Marcos ang kanyang kapatid na si Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at ang kanilang mga anak ng pagiging adik sa droga.
Sinabi rin ni Imee na mas naging adik si Marcos matapos pakasalan ang Unang Ginang, na sinasabing gumagamit din ng droga.
“The reason that is, is beacuse the lady that you see talking on TV is not my sister. And that view is shared by our cousins, our friends,” ang sinabi Pangulong Marcos sa press conference sa Presidential Broadcast Studio sa Kalayaan Hall, sa Palasyo ng Malakanyang na kitang-kita ang lungkot sa mukha at pagbuntong-hininga sa usaping ito.
Kaya nga aniya, labis silang nag-aalala kay Imee Marcos.
“I hope she feels better soon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
At sa tanong kung nagkausap na ba sila ng kanyang kapatid na si Imee Marcos, ang naging tugon ng Pangulo ay “We no longer travel in the same circles, political or otherwise.”
Nauna rito, itinuturing naman ng Pangulo na anathema na pag-usapan ang pamilya tungkol sa usapin ng pamilya sa publiko.
“We do not like to show our dirty linen in public,” ang sinabi ng Pangulo.
Samantala, hindi pa man nagtatagal ang press conference ng Pangulo ay kagyat na nag-post s Imee Marcos sa kanyang FB page na “Bongbong, ako ‘to, kung anu-ano na nakikita mo ading. Patunayan mong mali ako, gusto kong mali ako.” Kris Jose