Home NATIONWIDE Sa pagpapalabas muli ng video, PCFI kay Zaldy Co: Umuwi ka ng...

Sa pagpapalabas muli ng video, PCFI kay Zaldy Co: Umuwi ka ng bansa, kaso harapin

380
0

MANILA, Philippines – Alinsabay sa panibagong video na ipinalabas ni dating Ako Bicol Rep Zaldy Co, hinamon ito ng Party-List Coalition Foundation, Inc. (PCFI) na umuwi na ng bansa at harapin ang kaso at panumpaan ang kanyang mga akusasyon at hindi lamang matapang na mag-akusa sa mga ipinalalabas na video.

Ang apela ay ginawa ng PCFI kasunud ng serye ng video na ipinalalabas ng kampo ni Co.

“We encourage him to return home, state under oath his accusations backed by complete evidence, and cooperate with the relevant authorities so he can answer the charges against him in the interest of transparency. Only through a logical, evidence-based process can we protect the integrity of our institutions, ensure that truth prevails, and deliver justice for all,” ayon sa PCFI.

Sinabi pa ng koalisyon na suportado nila ang kampanya laban sa korupsyon at pagtiyak ng due process.

“We are a nation guided by the rule of law and due process. We call on our countrymen to refrain from making premature conclusions amid unsubstantiated accusations by several individuals, including former representative Zaldy Co,” giit pa ng PCFI.

“PCFI stands firmly with the country and in solidarity with our people in the ongoing crusade against corruption towards full accountability, justice, and transparency,” dagdag pa nito.

Giniit pa ng grupo na iwasan na munang magkaroon ng “premature conclusions” sa mga walang kalakip na ebidensya na ipinalabas ni Co.

“The accusations remain unsubstantiated. Only through a logical, evidence-based process can we protect the integrity of our institutions, ensure that truth prevails, and deliver justice for all,” ayon pa sa ipinalabas na statement.

Sa ikaapat na video na ipinalabas ni Co sinabi nito na ang malawakang fund transfer ng bilyong pera ay nagsimula pa noong 2022 at ang kabuuan ay aabot sa P56B kung saan sangkot dito sina Pangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Co na hindi ito makabalik ng bansa dahil na rin sa sa banta sa kanyang buhay, aniya, sa mga susunud na araw ay plano na syang ideklara bilang terorista base na rin sa mga natatanggap nitong impormasyon.

Sa nasabing video ay sinabi ni Co na nang maupo sya bilang House Appropriations Committee Chairman ay inutusan sya ni Romualdez na magbigay ng P2 Bilyon kada buwan.

Nang makausap naman niya si DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ay sinabihan sya nito ukol sa mga proyekto sa Bulacan, kasunod nito ay ang pakikipagpulong naman nya kay DPWH District Engineer Henry Alcantara na syang nagsabi na ang hatian sa proyekto ay 22% kay Romualdez, 2% kay Bernardo at 1% kay Alcantara.

Ang cash collections ay ginagawa umano ng mga tauhan ni Alcantara kung saan hinahatid ito sa bahay ni Romualdez sa South Forbes o sa bahay nya sa Valle Verde o BGC.

Noong November 2024 ay inutusan umano sya ni Romualdez na maghatid naman ng P1B kay Pangulong Marcos.

Wala pa namang komento si Pangulong Marcos at Romualdez ukol sa bagong akusasyon ni Co.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here