Home NATIONWIDE PBBM: PH foreign policy nakasalig sa kapayapaan, nat’l interest

PBBM: PH foreign policy nakasalig sa kapayapaan, nat’l interest

MANILA, Philippines- Nanindigan ang Pilipinas na ang independent foreign policy nito ay nakaangkla sa kapayapaan at pambansang interes.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng  foreign diplomats habang ipinagdiriwang ng bansa ang ika-126 anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas.

Nag-host ang Pangulo ng Diplomatic Corps ng Vin d’honneur sa Malakanyang, isang event na ginagawa dalawang beses sa loob ng isang taon sa Pilipinas, ginugunita kapwa ang Bagong Taon at anibersaryo ng kasarinlan ng bansa tuwing Hunyo 12.

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na gumagawa ang gobyerno ng sarili nitong policy decisions at hakbang para protektahan ang national interest ng bansa habang isinusulong ang kapayapaan at pinalalakas ang kasunduan sa “like-minded” na mga bansa.

“We continue to chart an independent foreign policy in keeping with our constitutional mandate. We pursue [this] through international engagements that seek to strengthen existing alliances [and] build new partnerships with like-minded states,” ayon kay Pangulong Marcos .

“Our foreign policy is grounded on the continuing promotion and work for peace, and the continuing promotion and work for our national interest,” dagdag na wika nito.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na “Philippines has consistently taken positions in support of the rule of law and of the rules-based international order.”

“As we continue to promote diplomacy and dialogue in our efforts to build bridges in our various multilateral advocacies – such as for peace, economic development, climate change, amongst others – we shall endeavor to enhance engagements with bilateral, regional, [and] multilateral partners, especially in areas where cooperation has not yet reached its full potential,” aniya pa rin.

Gayunman, dinakila naman ni Pangulong Marcos ang mga ninuno na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa, na kanyang inilarawan bilang “proudest moment” ng Pilipinas.

Inilahad din ng Pangulo ang tagumpay sa pagharap sa mga hamon ng ekonomiya.

Sa naging mensahe naman ni Archbishop Charles John Brown, ang Papal Nuncio to the Philippines at Dean of the Diplomatic Corps, binati nito ang Pilipinas para sa kapayapaan at development na natamo nito sa Bangsamoro region.

Aniya pa, ang pagtugon sa hidwaan na umusbong mula sa “geopolitical tensions, diplomacy at dialogue” ay dapat na maging daan pasulong, tinukoy kung paano nilutas ng bansa ang armed conflict sa Mindanao sa pamamagitan ng paglagda sa Bangsamoro peace accord.

“If we want to make a world of safety and prosperity for our children, the way forward for all of us is the same path that has brought the hope of peace to the people of the Bangsamoro Autonomous Region and Muslim Mindanao. And that is the path of dialogue. Patient, serious dialogue, together with a respect for international law and a respect for legitimate diversity,” ayon kay Brown.

“Engaging with others, and particularly those with whom we profoundly disagree, is the surest way of avoiding the catastrophe of escalation,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose