Home NATIONWIDE Seguridad sa mga miyembro ng legal profession, nararapat – IBP

Seguridad sa mga miyembro ng legal profession, nararapat – IBP

MANILA, Philippines- Kinakailangan na ang mas maigting na seguridad para sa legal professionals.

Ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), ang naganap na pagpaslang sa isang piskal sa Digos City, Davao del Sur ay isang mahigpit na paalala sa panganib na kinahaharap ng legal professionals sa pagganap sa kanilang tungkulin.

Binigyan-diin ng IBP na kailangang matiyak na magagampanan ng mga miyembro ng legal profession ang kanilang tungkulin nang walang pangamba na maaari silang paghigantian.

Magugunita na pinagbabaril ng half-brother si assistant provincial prosecutor Eleanor Dela Peña habang pauwi ito nitong lunes.

Kahit walang kinalaman sa trabaho ang motibo sa krimen, iginiit ng IBP na isa itong pag-atake sa buong justice system ng bansa.

“This reprehensible act is an attack on the entire justice system.”

Samantala, pinuri ng IBP ang mabilis na pag-aresto ng Philippine National Police sa suspek.

Hinikayat din ng IBP ang mga awtoridad na agarang isampa sa korte ang kaso. Teresa Tavares