Home NATIONWIDE 126 PDL pinalaya ngayong Independence Day

126 PDL pinalaya ngayong Independence Day

MANILA, Philippines- Nasa 126 na persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ngayong araw bilang bahagi ng selebrasyon ng 126th Independence Day.

Nabatid na sa naturang bilang, 61 ay mula sa maximum security camp, medium security camp, at reception and diagnostic center ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Nasa 22 naman ang mula Davao Prison and Penal Farm, 16 mula sa Correctional Institution for Women, 10 sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, walo mula sa Leyte Regional Prison, walo sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at isa sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.

Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) na sa kabuuan ay umabot na sa 14,324 na mga PDL ang napalaya sa ilalim ng Marcos administration.

Umaasa si BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. naitutuloy ng mga napalayang PDL ang pagbabagong buhsy.

“Not everybody was given a second chance, so kapag binigay ang chance na ganito sa iyo make sure na worth it ka at huwag mo sayangin.”

Kasama sa idinaos na culminating activity para sa paglaya ng mga PDL sina Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta at Justice Undersecretary Margarita Gutierrez.

Ipinagdiwang ng BuCor ang independence day na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” (Freedom, Future, History). Teresa Tavares