Home NATIONWIDE PBBM pumalag: Anti wang-wang policy, iba kay PNoy

PBBM pumalag: Anti wang-wang policy, iba kay PNoy

MANILA, Philippines- Pinalagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkukumpara sa pagitan ng kanyang anti-wang-wang policy at kay dating Pangulong Benigno Aquino III, nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong panahon ng kanyang termino.

Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng paggamit ng wang-wang.

“It’s about really the number of [low-numbered o protocol license] plates na binawasan namin ,” ayon kay Pangulong Marcos.

Inaasahan sa EO 56 na mapipigilan ang pag-aabuso at mapahuhusay naman ang transparency sa pamamagitan ng pinahigpit na regulasyonn sa pagpapalabas ng special plates na ibinigay sa mga opisyal ng pamahalaan.

Ipinalabas ang EO sa gitna ng tumataas na public concern sa paglaganap ng protocol plates na nagkakaloob ng special privileges sa mga sasakyan sa lansangan kabilang na ang exemption mula sa number coding scheme.

“This executive order aims to promote a more transparent and accountable system for the issuance of protocol license plates,” ang nakasaad sa kautusan sabay sabing, “It ensures these privileges are used appropriately by a designated group of officials for legitimate purposes.”

“So that’s what really, that’s what it is about. So this is not about the wangwang, that’s a very small part of it. What it really is, is to impose discipline,” ang pahayag ng Pangulo.

Ipinalabas din ng Pangulo ang Administrative Order No. 18, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Marso 25.

“All government officials and personnel are prohibited from utilizing sirens, blinkers and other similar gadgets that produce exceptionally loud or startling sound, including dome lights, blinkers, or other similar signaling or flashing devices,” ang mababasa sa kautusan.

Dahil sa kautusan, exempted ang opisyal na sasakyan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) at maging ang mga track ng bumbero, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles.

Matatandaang inanunsyo ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang presidential inaugural address noong 2010 ang polisiya laban sa paggamit ng wang-wang, sinasabing pagpapakita kasi ito ng “entitlement at the expense of ordinary Filipinos.”

Nagpatupad din noon ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ng kahalintulad na pagbabawal noong panahon ng martial law. Kris Jose