Home NATIONWIDE PBBM sa DA: Biosecurity measures vs ASF, palakasin

PBBM sa DA: Biosecurity measures vs ASF, palakasin

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na palakasin ang livestock consolidation at biosecurity measures kontra African swine fever (ASF).

Sa pagpupulong kasama ang Regional Development Council 3 (Central Luzon) sa CSJDM Convention Center sa San Jose Del Monte City, Bulacan, iginiit ni Marcos ang kahalagahan ng biosecurity kasabay ng nagpapatuloy na vaccination efforts para labanan ang ASF.

Nagbabala siya na sa kabila ng pagbabakuna sa mga baboy, posibleng ma-expose sa sakit ang mga susunod na stock kung ang mga babuyan ay hindi mapapangasiwaan ng maayos.

“The key to that is consolidation. Mayroon tayong ginagawa sa consolidation kasi pagka-backyard, mahirap kontrolin ‘yung biosecurity,” aniya.

“Di ba ‘yung plano natin, hopefully na mailagay natin in one secure – biosecure facility. I don’t know, mukhang mahirap because most people don’t want to give up their animals.”

Sinabi naman ni DA Undersecretary Designate for Livestock Constante Palabrica na nagpapatupad ang ahensya ng biosecurity, kasabay ng pagsisiguro na 80% ng mga baboy ay protektado sa bakuna.

Idinagdag ni Palabrica na under control na ang sitwasyon ng ASF.

“Regarding the vaccine, we have purchased around half a million ASF vaccines, and close to 200,000 now will be vaccinated, will be used here in Region 3,” anang opisyal.

“So far, we’re getting good results, and once the Bureau of Animal Industry could collate all the data, we will submit this to the FDA (Food and Drug Administration) because under the MOU (memorandum of understanding) between BAI (Bureau of Animal Industry) and FDA, we have to check for efficacy and effectivity of the vaccine.” RNT/JGC