Home HOME BANNER STORY PBBM sa gov’t agencies: Bonggang Christmas celebrations, iwasan

PBBM sa gov’t agencies: Bonggang Christmas celebrations, iwasan

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na iwasan ang marangyang pagdiriwang ngayong Pasko bilang pakikiisa na rin sa libo-libong Filipino na nagdurusa ngayon dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo na tumama sa bansa.

Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang dahilan para magpalabas pa ng kautusan dahil naniniwala at nagtitiwala sila sa kabutihan ng mga government workers na “can unilaterally adopt austerity in their celebration.”

“Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahenysa ng pamahalaan na iwasan ang mga marangyang pagdiriwang ngayong Pasko,” ayon kay Bersamin.

“This call is in solidarity with the millions of our countrymen who continue to grieve over lives, homes and livelihoods lost during the six typhoons that pummeled us in a span of less than a month,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, hinikayat naman niya ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na mag-donate ng naipon o naitabi nilang pera sa mga biktima ng bagyo para makapagdiwang ang mga ito ng simpleng Pasko.

“The true spirit of Christmas implores us to celebrate with compassion, to share our blessings, and to spread cheer. As a people united by love for our fellow men, we can cast away bleakness as we celebrate in this season of joy,” ang sinabi pa rin ni Bersamin.

“On the part of the government, we will make sure that the Christmas spirit will be felt early by all the affected areas in the form of relief goods and assistance, of infrastructure rebuilt, and of livelihoods restored,” dagdag na pahayag nito.

“Tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Pasko, kasama ang ating mga kababayang nasalanta ng mga sunodsunod na kalamidad,” ayon kay Bersamin.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay kaisa ng mga mamamayang filipino na isinasaisip ang pagdurusa ng mga tinamaan ng mga bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel at Pepito.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na “the government is now working double time to start rebuilding calamity-hit communities while relief operations continue.” Kris Jose