Home NATIONWIDE Pinoy patay sa aksidente sa Italy

Pinoy patay sa aksidente sa Italy

MANILA, Philippines – Patay ang 71-anyos na Pinoy sa Italy matapos maaksidente nitong Sabado, Nobyembre 16 sa harap mismo ng tanggapan ng Philippine Consulate General sa Milan.

Ayon sa tanggapan ng konsulado ng Pilipinas nitong Lunes, Nobyembre 18 ay bumangga sa isang poste ang kotse na minamaneho ng biktima.

“According to reports, the man passed away despite efforts to save him at the hospital where he was taken following the incident,” saad sa Facebook post ng Konsulado.

Hindi naman binanggit kung papunta ba sa tanggapan ang biktima nang mangyari ang aksidente.

Nakiramay ang konsulado sa pamilya ng biktima.

“The Consulate requests kababayan to pray for the eternal repose of the victim’s soul,” pahayag ng konsulado. RNT/JGC